Wednesday, February 13, 2013

Pft.

Nakita kona ang pinakaaaaaaaaaaaaaaa magandang doctor sa buong buhay ko. ♥
Ang sarap magkasakit kung siya lang din ang gagamot. Kaso badvibes ang suplada.

At dahil araw ng undas, este PUSO..

Pano ba? Pano ba mag paramdam ng pagmamahal?
Kailangan ba ma-hal? as in literal na pagbibigay ng mamahaling gamet,
kain sa mamahaling restaurant,  mamahaling tsokolate at bulaklak?

haha wala lang nag- intro lang.. anyways,

Para sakin "Love has no Gender"..
babae sa lalake, babae sa babae, tomboy sa babae,
lalake sa bakla, bakla sa bakla.. Pantay lahat yan,
nagkaiba lang sa way ng pagpaparamdam..

Sabe nila mas matindi daw magmahal kapag
kapareho ang kasarian, yung iba sinasabe the beast magmahal mga
tommy and gays kasi all out..

hmmmm.. hindi naman ako naniniwala dun,
Eh, wala padin hihigit sa pagmamahalan ng
isang lalakeng ihaharap ang babae sa altar,
at sa pagmamahal ng isang babaeng handang
panindigan ang kanyang magiging kabiyak sa harap ng Diyos.

Moving forward... masyado kong naging seryoso at medyo nalayo sa dapat na topic..haha :)

Ang hirap mag-stabilize ng relationship, oh ako lang hirap?
Noon, kasi lage ko iniisip na naku baka naboboringan na sya,
panay aya ko ng kape, sine, hala kain dito, pataba dun, pataba dyan.
Lahat na halos ng restaurant nacheck-in kona sa facebook.
Lageng may co-curricular activities..ultimo zipline hala sige kahit
mamatay matay na sa takot, mawork lang tong partneship na to.

Tangina, nakakapagod promise. Ayun, ending break din pala. O_O

Ngayon, eto na yung mas trip kong pagpaparamdam ng pag-mamahal.
Bro, di literal na ma-hal, walang pricetag to, walang bill out, walang entrance fee
na gaya sa mga theme park..

Simple lang mag-mahal. Takte dame kopa gimmicks nung araw.

1. Yung moment lang na nakahiga kayo, yakap mo sya, o yakap ka niya. PUTCHA
priceless pre! compare mo sa panunuod ng sine tangina 180-200 tapos
di mo naman talaga trip storya, di mopa mahawakan kamay ni girlfriend kasi may drinks na naka harang sa silya..haha :)

2. Yung moment na  bigla ka mag a "iloveyou". Shet! tulala, ultra kilig. Hindi na kailangan ng mga tarpaulin, billboards sa edsa or banner. Pre, laway lang puhunan mo, banggitin mo lang, biglaan sa tamang timing, swak! sabay kiss. :)

3. Yung moment na bisitahin mo sa trabaho/school, dala ka roses kahit isang piraso, wagka mahiya sa mga tao, magbitbit ka ng bulaklak, sabay bitbit ng pagkain niluto mo. Fuckery! pre kahit ang panget panget mo sa paningin ng girlfriend mo ang gwapo gwapo mo na biglaan ha! and ov course mas mamahalin kapa. :)

4. Yung moment na kahit jollibee lang, value meal everydate pwede na. Importante habang kumakain kayo nakakapag-usap kayo, nagkakamustahan kayo, nalalaman mong masaya siya, pagod, or malungkot. Kesa yung sa mamahaling restaurant nga, tahimik ka naman kakacompute ng bill sa isip mo. haha :)

5. Yung moment na, umupo lang kayo kahit sa seaside ng MOA, hawak kamay, nakasandal sya sayo. Di ba ang bilis ng oras kapag kasama mo si bf/gf? Panget sayangin sa kakalakad, wala naman katuturan, ending pagod pa.

Ayun, tinamad nako mag-type...

Basta ang pagmamahalan dinadahan-dahan.
Di ba lahat naman naniniwala sa forever? mahaba pa ang lalakbayin ng bawat relasyon,
Kung mamadaliin niyo mabuo lahat ng memories, e mauubusan kayo.

Ending..,

pareho niyo marerealize na hindi na masaya, wala ng magic, wala ng excitement.
hanggang sa mawala na yung kayo, meron na lang ikaw at siya. 


meow. ><>

Tuesday, February 12, 2013

Hi Starfish! :)

The more i'm afraid of something, the more i have to do it. the more it might hurt, the more i might die doing it. the more worth doing it must be - the L word

Monday, January 28, 2013

pwede ba?

pwede bang subrang mamiss kita.

Saturday, January 26, 2013

Studyanteng Nars.

Ilalathala ko muna ang Inspirasyon kung bakit nabuo ang kwentong ito:

Pasok sa Ward, census sangkatutak.
Biglang pasok ang mga Studyante ng isang Unibersidad.

Yay! Salamat sa Diyos!

May taga vital signs at bigay ng medications. haha :)
Biglang kalagitnaan ng duty ako'y nagflashback ng aking buhay

"Studyanteng Nars." ... halika basahin mo makakarelate ka ng bongga.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sisimulan ko ang kwento sa outfit ko nung araw, Kapag duty kasi ng isang studyanteng nars ay madalas naka white dress, apron at nursing cap. Imaginin mo nakadress na papatungan pa ng apron, oha! san kapa? edi pawisan kana. :)

Susunod natin ang kagamitan na kailangan laging bitbit kapag magduduty na:

...Kapag sa community may tinatawag na "CHN bag" ang isang studyanteng nars, itim yun na leather. Kompleto ang kagamitan, ultimo lampara meron yun ha! haha :) tapos naaalala kopa nun napaka mahiwaga ng bag na yun na kailangan pa naming gumawa ng sapin niya. Kailangan din ng studyanteng nars ng itim na payong kapag sya ay nasa komunidad, ito'y para ipanghawi sa asong pakalat-kalat. haha :)

...Kapag naman sa hospital ang isang studyanteng nars ay kailangan magbitbit ng sangkatutak na kasangkapan, madalas stethoscope, bp app, thermometer, at eto ah! magkahiwalay na canister ng cottonballs, isa sa wet isa sa dry, tape measure, surgical scissor, penlight, tri-color pen, tickler, ayan na lang naaalala ko..haha etooooo pinakamatindi dyan! LAHAT yan asa BULSA! haha dakila! :)

Moving forward..

Ang bawat studyanteng nars ay may guro ang tawag sa kanila ay "CI" hindi yan check inn ah, haha "Clinical Instructors" yan te, sila ang taga gabay saamin nung araw. :) Ang bawat CI ay mag-aassign ng patient sa studyanteng nars na kanyang aalagaan buong shift at gagawan ng NCP, Drugstudy, Case Presentation. Ganyan nung araw saamin, ewan kona lang ngayun. :)

Kembot na ulit tayo sa kwento marame nakong nashare masyado. haha

Ayun nga, kapag may studyanteng nars sa ward madalas sila ang taga vital signs, at siempre sila din ang magpplot nun, laking tulong sobra! naalala ko nung diko pa gamay ang pagpplot ng VS katulad nila, nangangapa pako, isang chart inaabot ako ng kulang kulang 5minutes, tapos another 5minutes para sa I&O. Kakabahan pako nian, iisipin ko tama ba pinagsusulat ko..haha :)

Ang iilang studyanteng nars at kasama ko dyan nung araw e pagmag BBP dahan-dahan, uulitin pa yan kasi mahina yung tunog,at para tignan kung tama talaga ang data. Mapalad na nga ang mga studyanteng nars ngayun at ang thermometer ay digital na, nuong ako'y studyanteng nars di taktak pa ang thermometer, madalas nababasag, Ang karamihan naman sa studyanteng nars ay laging pasimple kung bumilang ng RR, kunyare PR kinukuha. Tama ba?hihi :)

Tapos eto pa.. Ang studyanteng nars ay nangangailangan ng limang normal spontaneous delivery case handle and assist, upang makapag board exam, tawag dyan ay cases. :)

Unang araw sa aking pagduduty ay natapat ako sa Delivery room, Ang isang studyanteng nars ay naka scrubsuit kapag special ang area katulad na lang din pag asa Operating room. Bilang inosente sa lahat ng aking makita ako'y natulala sa panunuod ng isang babaeng manganganak, haha natural babae alangan naman baklita anu? haha ba yan tinabla ko sarili ko.

Anyways,

Natulala, napatitig, napalunok.. BIGLANG! boooooom! si mother na asa gilid ko, pumutok panubigan, haha nasiritan ako, shet slimy! Scrub-out agad. Punas, punas, ayan kasi tatanga-tanga, si mother naman di man lang nag-excuse may sisisrit pala sa pempem niya. haha :)

Ending, nanganak si mother ng nakahawak sa pakalat kalat kong braso, na hanggang matapos e nakabaon yung kuko niya sakin, kulang na lang pate ako sumigaw sa sakit..

Lesson: Kung hindi ka kailangan, sa sulok ka lang tumambay. HAHA :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming masayang karanasan ang isang studyanteng nars. Kakaiba ang bonding ng group, sabay sabay kayo pupuntang hospital, kakain, uuwe. Pinaka-ayaw ko lang naman nung araw ay ang studyanteng nars malimit nakakaupo lalo kapag-asa area, sana pwede yung bring your on bangko no? haha :)

Ayun lang, Namiss ko lang bigla. Salamat sa mga nakakaduty kong studyanteng nars,Mabuhay kayo! :)
at para sa iilan lang naman na nakita kong maaangas na studyanteng nars, chill lang. Mahaba-haba pa ang lalakbayin niyo, be humble at please wagmagyosi kung saan-saan, masagwa phwoeshz tignan. Salamat!:)

Nagmamahal, 
Isang dating studyanteng nars.

Addendum: Karamihan sa mga studyanteng nars ay mapera, marahil kasi kapag malayo ang duty malake ang dagdag sa BAON.haha tama ba? :) nung araw kapag sa maynila ang duty ko matic na yun si Ninoy ang iaabot. hihi :)

Tuesday, January 15, 2013

weeeew!

medyo nawawala na stress ko..nga pala may bago kong krash na dockie. :)

grabe.

ang sweet pala namin date, ngayon ko lang naappreciate. O_O

tsktsk.. ge next year na lang.

Year of the Snake: Single Dragon people will not find happiness with a new mate this year. They would be advised to stay single and be content for a while in their own company.

I do not like this day.

GREAT!

GUTOM na GUTOM, tapos paguwe black-out.

 tangina. tangina talaga, ultraaaaaa tangina!!!