Jm, umiiyak ka ba?
nako te kung alam mo lang, umiiyak ako pagnananaginip ng ostrich,
umiyak lang ako kagabe dahil hinahabol daw ako ng tornado, umiiyak ako
pagsobrang pagod katulad kanina, umiiyak ako kapag naaalala ko yung date, umiiyak ako pagnaiisip ko lahat ng pinagdaanan kong sakit, umiiyak ako kapag nasusugat kahit maliit lang,umiiyak ako kapag hindi ko nakuha gusto ko, umiiyak ako paggutom, umiiyak ako tuwing may nililibing or nakikinig ng eulogy, iniiyakan ko ang mga jologs na teleseryeat umiiyak ako kapag malungkot ang storya ng novela, umiiyak ako kapag may masakit na sinabe sakin, umiiyak ako kapag natatakot, umiiyak ako pag umiiyak mahal ko. Inshort, iyakin ako, hindi lang halata.
Kasi sa lahat ng pag-iyak ko, wala halos nakakakita. Bihira lang, Strong ang peg ko e. Hindi naman lahat ng pag-iyak ko kadramahan sa buhay, umiiyak din ako sa saya. Umiyak ako nung pumasa ko ng boards. Tsaka, Naiiyak ako sa tuwa kapag nakakapagsimba ko at nakakapagpasalamat salahat ng biyaya..
Ayun lungs... :)