Hindi pa tayo mahal na kita..
Pagkita ko pa lang sayo alam ko akin kana.
Maraming dahilan bat kita mahal,
Mahal kita kahit mataba ka,proud akong
chubby ka, kasi sobrang sarap mo yakapin.
sobrang sarap din payakap sayo kahit parang
mababasag na ribs ko sa higpit.
Mahal kita kahit lagi kang pawis, at lage ka
sinusumpong pag mainit. Kasi pagpawis
ka lumalabas pagka mestisa mo, pulang pula.
yung sumpong mo sarap lang tawanan, kasi
nakanguso ka ng dimo napapansin sa inis.
Mahal kita kasi maeeffort ka, malayo ka,
malayo ako, pero pagdating sayo parang ang
lapit lang ng lahat. lage ka andyan pagginusto ko,
kahit bumagyo hindi ka nagpapaawat.
Mahal kita kasi ang tindi ng pag-iintindi mo
sakin, sa trabaho ko, sa mga araw na halos dinakita
matext o makausap. Naaappreciate mo yung
halos wala pang isang oras na chloe time.
Mahal kita kasi pinapatulog moko, hindi ka humihingi ng
oras, kasi alam mong pagod na pagod ako.
Mas mahal kita kasi alam kong behave ka lang,
at di nagsasawa mag update sakin habang nakapikit ako.
Mahal kita kasi kahit wala na tayong masyadong
dates, yung oras lang na kasama moko sa bahay
kinakasaya mona ng sobra. Hindi ka humihiling ng
fine dining or mamahaling restaurants.
Mahal kita kasi matakaw ka, yung hindi naman kasarapan kong
luto inuubos mo, lage mo sinasabe masarap. Kahit alam ko
namang maalat minsan matabang. Mahal na mahal kita
pagkumakain ka, kasi yung pisngi mo lumolobo. :)
Mahal kita kasi consistent kang maggoodmorning at
goodnight, Mahal na mahal kita kasi hindi ka nakakalimot
magsimba tuwing linggo, lagi mo pinagdarasal yung dasal ko,
never mong nakalimutan ako at pamilya ko.
Mahal kita kasi kahit alam kong nasasaktan ka sa
nangyayare sakin ngayon nakasupporta kapa din.
Mahal kita chloe.Mahal kita sa madaming dahilan,
hindi kaya ng iisang sagot lamang.
mahal kita ngayon, bukas, sa isang bukas, buwan, taon.
hanggang sa hindi na tayo makatayo at puro pute na buhok mo,
mahal kita. Mahal kita kahit umikli pa buhok mo, mahal
kita kahit mawala na braces mo. basta mahal kita ney.
huwag ka lang pumayat ng husto, kasi mamimiss ko bilbil mo..
Mahal na mahal Chloe.