Bakit ang Lakas mo Maka-talino?
Pag-iniinom kita lahat ng malabo, naiintindihan ko.
Lahat ng nakabuhol, nakakalas ko.
Lahat ng makitid, lumalawak sa isipan ko.
Hindi ka naman laging panggulo ng buhay ng tao.
Minsan mas mabuti kapang karamay kesa sa kapitbahay ko.
Tahimik ka lang na nasa bote o baso. Pag ininom ng sobra
tulog ang dulot mo.
Pag bigo ako, ikaw ang tropa ko.
halos dikita mabitawan para kang pacifier nung bata pako.
Nalalasing moko pero sa paggising ko magandang leksyon
ang bigay mo. Tama ka, nagsayang lang ako ng pera
sa kakaorder sayo. Ayan ako, nakasubsob sa banyo
sumusuka dahil nasobrahan sa paglaklak sayo.
Oh Alak, masarap kang kasama sa okasyong masasaya.
Maganda kang pampalakas ng loob kapag ako'y natutuod sa kaba.
Mag kaibigan tayo hanggang sa aking pagtanda. Maging sa kabilang
buhay babaunin kita..
PS: uminom ng tama, dahil ang sobra nakakabutas ng bulsa.. :)