Friday, June 22, 2012

Repost: Coz I’m not afraid to say how I really feel..

Hindi ako takot na sabihing araw-araw, naiisip kita.

Hindi ako takot na sabihing hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na maayos tayo.

Hindi ako takot na sabihing namimiss kita.

Hindi ako takot na napapanaginipan kita. At sa mga panaginip na yun, tayo pa rin.

At hindi ako takot na sabihing sana totoo nalang yung mga panaginip kong yun.

Sa isang bagay lang ako takot. Yun ay ang hayaan ko ang sarili kong magmahal uli ng sobra-sobra. 

Takot ako kasi ayoko pang kalimutan kung gaano kita kamahal. Mula noon hanggang ngayon. 

Kasi hanggang ngayon, ikaw pa rin yung gusto kong maging forever ko. Sayo ko pa rin gustong maniwala na totoong may forever. 

Pero unti-unti.. nawawalan na ako ng pag-asa. Unti-unti, hinahayaan ko nang mahulog ako sa iba. Unti-unti, kinakalimutan na kita.

Dahan-dahan, unti-unti. 

Sana kapag naiisip mo na akong kausapin, hindi pa huli ang lahat para sa atin.

Hindi pa huli para ituloy natin ang ating kwento. Hindi pa huli para mapatunayan natin kung gaano natin kamahal ang isa’t isa. 

Hindi ko alam kung bakit, pero alam kong may puwang pa ako sa puso mo. Nararamdaman ko yun sa tindi ng determinasyon mong lumayo sa akin. 

Kung mahal mo pa ako, kahit man lang sa sarili mo, wag kang matakot na aminin yan.

At lalong wag ka sa akin matakot. Sa nagdaang taon, alam kong kaya na kitang ipaglaban sa kahit ano, maging sa nakaraan mo, o sa nakaraan ko. Kaya na kitang ipaglaban sa kahit na sino. Kahit pa sa mga mahal natin sa buhay.
I
kaw ang nag-iisang pangarap na gusto kong matupad. 

Mahal kita. Mahal na mahal. 


><> same thoughts as mine. almost same fears. same hopes and dream.