Ang lamig, maulan, ang sarap humiga ang
sarap ng may kayakap.
Ang lungkot
pero masaya ko para sa isang tao ngayun.
Ang tagal kasi niya naghintay ng taong magmamahal sakanya ng higit
pa sa inaasahan niya.
Madalas kasi
siya yung nagmamahal ng sobra tapos sinusukli e pangaabuso sa kabaitan
niya.
Naiiyak ako ngayun. Hindi dahil sa personal kong pinagdadaanan,
Tears of Joy ika nga tong nararamdaman ko.
Nakita na ni Superman ang Supergirl niya.
Bigla tuloy ako nainspire bigla ko nagkapagasa.
Kung
may dadating man hindi ko iisipin o sasabihin na Mas better sya.
Mali si Popoy sa sinabe niyang kaya iniiwan
tayo ng mga taong mahal natin kasi
may
dadating na mas higit pa. Maling magkumpara.
Para
sakin lahat ng minahal ko e the best sa kanya kanya nilang
paraan. Siguro ang tamang term e.
mag-aantay ako ng taong.
"SWAK" sa
personalidad ko. Yung taong masasakyan at matatanggap flaws ko.
Katulad
ng sinabe sa bible. Lahat ng tao Imperfect.
Pero kapag pinagtibay sila ng pagmamahal.
Pareho nila makikita ang perfectness sa isa't isa. .Dun
nila matatagpuan ang Forever.
Sabe sa "take my breath
away" kung MEANT to be MEANT to be.
May nagsabe naman sakin, Kapag may
dumating na iba malalaman ko daw bakit hindi naging sya.
Pero kung may dating gugustuhing pumasok
muli magiging mahirap pero baka nga MALI lang kami nung una. Kung anu
man dyan mangyare sa mga susunod na araw, buwan o taon e sana worth it
lahat,
Sa ngayun isa lang alam ko...
Hindi pako handang magmahal ulit, Pero
hindi ko isasara ang puso ko
sa mga dadating.
Sana gaya ni Roche sa paghihintay ko may
biglang
tumabe sakin at bigyan ulit ng kulay ang mundo ko.
Sana gaya naman
ni Miyu, mamahalin niya hindi lang ako kundi pate ang mga taong mahal
ko.
Faith, Hope and the greatest of all is
LOVE, but since ldr kayo isalo niyo ang TRUST.
yan ang paulit ulit kong sasabihin
sainyo. Roche and Miyu lage niyong tandaan.
"LOVE NEVER FAILS".
from: Alex Featherson ><>
PS: hindi yung Trust condom
tinutukoy ko ah. lol